Bilang Filipino, kasama ng Ingles, isa ang Tagalog sa kasamang-opisyal at tanging Pambansang wika sa Pilipinas.Ginagamit ang Tagalog bilang lingua franca o "pangkaraniwang wika" (o "tunay na wika") sa PILIPINAS.Itinalaga ang Tagalog bilang wikang opisyal sa unang konstitusyon ng Pilipinas, ang Konstitusyon ng Biak-na-Bato (Artikulo VIII: Opisyal na Wika) ng 1897. Noong 1935, itinalaga ng konstitusyon ng Pilipinas ang Ingles at Kastila bilang mga opisyal na wika, subalit iniatas ang pagpapaunlad at pagaangkin ng isang karaniwang wikang pambansang batay sa isa sa mga buhay na mga katutubong wika.Nakaimpluwensiya rin ang iba pang mga wika sa Pilipinas, pangunahin na ang sa pamamagitan ng mga paglakbay-lipat o migrasyon ng mga mamamayan ng mga tagapagsalita ng ganitong ibang mga wika mula sa mga lalawigan patungong Kalakhang Maynila. Dapat nating gamitin ito dahil naipakikita natin ang ating pagkamakabayan.Trandaan na ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment